ang pagiging konyo. *bow*
shinomori_misao8 opened her eyes at 09:05 PM on March 31, 2004.
magandang araw po - o gabi man, ano man ang mas tama sa oras ng inyong pagbabasa. ngayon po ay magdadadada na naman ako ukol sa isa na namang bagay na higit na napapanahon at importante - ang pagiging konyo. [babala - wag basahin kung isa kang ganito.]Marahil ay marami ang nagtataka, bakit naman ang pagiging konyo ang titirahin nitong babaeng ito? hmm... bakit nga ba? wala lang. gusto ko lang tuparin ang pangako ko [tignan ang naunang entry] na pagdiskitahan ang bagay na ito. hmm, masama nga ba ito? napakalaking salik na nga ba nito at kaya ko ito pinagdidiskitahan? hindi naman talaga, medyo lang.
ang masama kasi dito, nagiging sagabal na rin ito sa pag-unlad ng ating pambansang wika. sapagkat, sa halip na paunlarin natin ang ating wika kapag hindi natin mahanap ang tumpak na salita para sa ating sasabihin, umuuwi at ginagamit nalang natin ang mga salita ng ating mga karatig bansa - mas partikular ang wikang ingles. pero hindi ko sinasabing masama ang paggamit ng wikang ingles bilang pampunan sa pagkukulang ng ating wika, sapagkat mahirap din naman talagang tagalugin ang mga salita katulad ng - internet, well, whatever, cute, consider, private message, at blog. iilan lamang yan sa mga salitang napakahirap talagang tagalugin. natatanggap naman ang mga yan, ang mga hindi katanggap-tanggap ay ang paggamit ng halong wikang ingles at filipino sa pagsasalita para lamang magpacute at sabihing sosyal ka. halimbawa nalang ang susunod na pag-uusap: [paalala:basahin ang mga susunod na dayalogo na may kasamang feelings at with matching fake american accent - yung tipong maarte talaga. pa-slang effect]
"grabe, you know what, i can't believe my papa is actually going to leave na, you know, like, you know, he's like, so kaka..."
"hainakew i understand you naman. you know, maybe you should just leave him nalang, you know, like dump him..."
nakakainis. wala lang. oo, itinataguyod nga ang sinasabing bilingualism, pero ito namang bilingualism ay ang pagiging matatas sa pagsasalita ng dalawang wika - iyon na nga ang wikang ingles at filipino. hindi ito nangangahulugang paghahaluin na natin ang dalawang wika - maipilit lang na marunong tayong mag-ingles at magtagalog at the same time. [hahaha... hindi niyo narin siguro maintindihan kung seryoso ba talaga ako sa sinasabi ko o ginogoyo ko lang kayo dahil wala akong mapagtripan.]
ang isa ko pang kinaiinisan ay ang paggamit ng 'me' at 'u' sa text. hinde, wala namang mali sa pagsasabi ng 'i lab u' o kaya 'text me ok?'. ang kinaiinisan ko lang ay iyong nagatatagalog ka pero iyan ang ginagamit mo. diba? ang 'me' naman ay kasing haba lang naman ng 'ako' diba? di nga lang kasing haba ng 'u' ang 'ikaw' pero... basta, tignan niyo kasi...
'hi! musta na u? u ok?'
'ya, m gr8. hehehe hw cme u txtd me n nmn? u lyk me no? jk=P'
'hehe... ac2ali, namimis n u kc eh! lonely na nga me hir eh...'
... matapos ang ilan pang pagpapalit ng mga walang kwentang pagpapacute na text...
'cge, an2k na me eh, usap nalang us nxt tym ok?'
'ok, an2k nrn nmn me e... gudnyt!ü'
wala lang. marahil ay gusto niyo na kong pagbabatuhin sapagkat ang arte arte ko naman, pati ito napagdiskitahan ko. pasensya nalang ho sa mga taong natamaan man, o dun sa mga taong nainis sa akin. pasensya na ho talaga. sana'y maintindihan niyo na me is just beri beri gaga talaga, alam u un? getz u ba? [hehehehehehe...]
peace tayo. patawad po sa inyong lahat, marahil ay nasayang ko pa ang oras ninyo sa pagbasa nito... at baka nainis pa kayo sa akin. patawad talaga. patawad.
feeling: cynical
5 critiqued.
take my dreams away...


