mabuhay ang mga martir
shinomori_misao8 opened her eyes at 10:33 PM on February 8, 2005.
isang bagay na nakita ko sa friendster... na 'can relate' ika nga kaya lalagay ko..
-
kahit gaano ka katagal na maghintay... basta di sya para sayo, walang mangyayari.. isipin mo nga... kung napakatagl mo nang nandyan para sa taong mahal
mo.. lagi mo syang tinutulungan pag may problema sya dun sa taong mahal nya.. anjan ka.. laging nagsasabi na.. maaayos din ang lahat.. kahit minsan, ang gusto mo na lang sabihin.. "ewan ko ba sayo.. lagi ka na lang
umiiyak.. e kung ako kaya minahal mo??? e di sana di ka umiiyak jan.. sana lagi kang masaya" pero syempre kahit minsan di mo nasabi sa kanya un.. asa ka pang pag sinabi mo sa kanya un... mamahalin ka nya.. e kahit nga ipagsiksikan mo sarili mo sa kanya walng mangyayari.. kasi..
talagang naka set na ang mind nya na may
mahal na talaga sya.. e kung alam mo naman na
maraming taon na syang naghihntay dun sa mahal
nya di ba di mo na ipagpipilitan ang sarili mo??
tutulungan mo na lang sila.. para naman kahit papano.. magiging masaya ka.. pano??? sa pagtulong sa kanya.. e di ba.. basta naman makita mong masaya ang taong mahal mo.. masaya ka na rin di ba?? kaya lang... bakit
ganon?? minsan maiisip mo..... bakit di nya ko napapansin??? talaga lang bang masyadong
nakafocus ung attention nya sa taong mahal nya??? pwede... o baka naman... di nya alam ung nararamdaman mo?? sbihin mo kaya??
asa.. e kung maraming beses mo na ngang nasabi un..
pero binabalaewala pa rin nya... ba't ganun?? likas lang ba talagang manhid sya?????
o.. talagang ayaw nya lang sayo at di ikaw ang type nya... hay... siguro nga...anyway... aun nga... ang
tagal mo nang anjan para sa kanya..tinutulungan
mo sya pag may problema sila ng mahal nya na di
naman sigurado kung mahal ba sya...
tapos..... dadating ung tym na magigiv up na sya dun
sa mahal nya.. sasabihin nya sau na.. parang natatauhan na sya.. at ayaw nya nang umasa pa...
syempre, ung mga katagang un.... di natin maiwasan.. pero aasa ka.... aasa ka di ba??
di ba aasa ka.. na baka mapapansin ka nya..
DI MO MAIIWASANG UMASA!!!
tapos.... maya mya...malalaman mo... na...waaaaaa!!!! kaya pala nagive up na sya dun sa nauna kase..... may
nakita na pala syangbago... at ang masaklap.... DI
IKAW UN!!!! oo na.. ala ka ngang karapatang masaktan..pero... masakit pa rin!!! tignan mo ha...
mahigit na isang taon ka nang anjan para sa kanya.. di mo alam kung napapansin ba nya un.. siguro nga hindi.... tapos.. aun... may dadating na isang tao sa buhay nya........ biglang dumating... tapos....... un ung magiging kapalit nya dun sa naunang minahal nya for many years......hay...
masakit di ba????? ang tagal mo nang tumutulong
sa kanya... di naman sa nagdedemand ka na suklian nya ung pagiging olweiz there mo para sa kanya.... ang iyo lang.. nasayang effort mo.. kasi nagive up sya.. sayang effort mo sa pagtulong.. walag pinatunguhan... nagive up sya..
naghanap..
at nakakita ng bago.. ang masakit.. di ikaw un.....
siguro nga manhid sya... siguro nga hindi nya alam
kung gano mo sya kamahal..di nya alam... na mahal na mahal na mahal mo sya.. higit pa sa buhay mo... o kaya... baka sadyang ayaw nya lang sayo... anong dapat mong gawin????
itigil ang kagaguhang ito....buksan ang puso... dahil
pag ginawa mo un.. makikita mong.. may totoong nagmamahal sayo... di man sya un... sigurado namang mahal ka din nun... ng gaya ng pagmamahal mo, o maaaring higit pa.. sa taong nanakit sayo... kaya itigil mo na ang kagagahan mo... maraming nagmamahal sayo... at hindi sya para sayo..... tama na... tama na...
kung nakikisimpatya ka... irepost mo to..
kung naiintindihan mo to at nararamdaman
mo...
irepost mo to.......
hearing: your love - alamid
feeling: senti and uncertain
past entries
shinomori_misao8 opened her eyes at 04:47 PM on February 19, 2005.
seeing that the previous entry before my last one is dated jan.25, i feel like i have the need to post these stuff.. stuff i wrote in notepad that i was supposed to post although was not able to post due to the usual reasons (e.g. slow internet connection, constant disconnection, etc...)
---
01.27.05
what a great day.
yeah. astig. haha.. meron kami ngayong math and science congress today, at masaya naman. binili pa kami ni bea nina ernie at bas ng rose.. weeee. colored rose un ah! haha! ang cute kaya! kaso bad3p, hinangin ung mga bote namin, nagkaluray-luray ung roses ko.

pero ok lang, it's the thought that counts, pinulot ko naman ung ibang petals eh. haha

tapos un, may quiz bee kanina, at kasali ako. ahhahahah! wala, silver lang kami. careless kasi naming magkakagroup. tawa lang nang tawa! hahahahahah! enjoy kaya.. lipon ng mga baliw.

nakakaloka! haha.. at kanina nalaman kong binabasa pala ni
trix blog ko.. ahhaha! hi trix!

ikaw ah, madami ka na palang nalalaman saken.. ahhahahaha!!!

'oooooo!' hahahaha!

ang saya-saya...

laf3p tlga.. ayun nga e, speaking of that, si past, ayun, walalang... mejo ok na, compared dati mas comfortable na ngayon. and that's good.

ano kamo trix, west ba?

muling ibalik?

'oooooo!!!!'

hahahaha! atleast hindi ko maxado nafeel ung pain, wala na eh, manhid na ko. hahahahhaha! eto na naman dramatations.. hahahaha!
ano ba yan, ayaw na naman mag-ayos nitong computer na tooOoOo! 'cannot find server' daw. utut! *sigh*
ang cute ni tolits no? haha... wow, gwapo ni aguiluz at ni gabriel..

hahahahaha!

waaaaaaahahahaha.. aywan. okey, updates? well, nag-'hi'-'hi' na kami ni
bespren.. sana nga magtuloy-tuloy na. para mawala na ang "gap" hehehehe... nakakamiss kaya! si bea kanina.. ang kulit! ibang klase talaga mang-asar to.. ahhahaa! na-cu-cute-an daw xa kay bespren... haha.. de, actually, nasisweet-an xa, hindi cute.. sweet sweet dw kasi.. may ibang 'sparkle' daw sa mata nia kapag magkausap kami.

hahaha ewan ko. ayoko mag-isip, false hopes na naman yan! hehehehehe.. i've learned from my mistakes.

speaking of mistakes.. pati si past kanina inaasar niya.. waaaaaaaaaah ano ba! haahhaa! inaasar kaming 2 ni bea.. hahaha.. bea tlaga oo.. LL, maghunusdili ka!

bwahaha.. sana nga pala mahanap mo na ung black thingy mo

anyway, ayun, walalang naman.. un lang. meron lang akong ilang realization for today.. haha.
.
matatapos na ang school year. in fact, matatapos na ang HIGH SCHOOL years ko... syaks. college na... kaya nga totoo sinabi ni mrs.faller kanina.. with barely 2 months to go, dapat lang na namnamin na namin ang bawat araw na nandito pa kami sa manre.. kasi last na nga to, dapat make each day the
best.. ok?

kaya ditch your pride...
pride. you know what, pride can really bring you down. sabihin man nilang iyan nalang ang pinanghahawakan mo eh, pano kung yan na nga lang ang pinanghahawakan mo dahil hindi mo na makuhang hawakan pa o lasapin ang ibang bagay dahil don? dahil sa pride mo, hindi ka makapagkumbaba, hindi ka makapagpatawad, hindi ka makapagsorry, sira ang pagkakaibigan, samahan.. diba? so, therefore, it is a must for us to not let pride get the best of us. let us not let pride overcome us. let us not let pride take over us. kasi walang mangyayari, lalo lang masisira buhay natin kapag hinayaan nating mag-rule ang pride over us. diba? walalang. narealize ko lang. kasi dahil jan, hindi kami nagkaayos ni past.. dahil jan, nagkakaroon ng broken friendships, dahil jan nagkakaroon ng asaran at 'gaps'... tss. pride. it ruins us.
.
alam niyo bang naiinis ako't ang bababa ng mga mt ko.. wala na.. ewan ko na talga... sana naman tumaas taas kahit konti lang... susko, 86 lang ako sa english! huwalanghiya! 10 pa man din ako dun sa satire.. betchabygollywow.. dun pa ko sumabit sa pronoun usage tsaka sa true or false. engertz ko talaga.
joelle = tanga
oh well. wala na kong magagawa. bawi nalang ako. diba? tama. let's just pray na hindi naman magkaron ng drastic downfall ang grades ko. last quarter pa lang eh... ala. hay nako. ok tama na.
-
as the prom approaches, i can't help but feel senti and quite anxious. anxious kasi.. excited ako na kinakabahan na ewan. excited kasi xmpre prom na ulit.. pero hindi ganung kaexcited ah, slight lang. kasi ano naman bang ikaka-excite ko eh, jusko, ano bang meron don? wala namang makakapansin.. *drama* kaya nga who cares kung mataba ako or whatever.. hahahaha! [i'm getting fatter by the minute] hahaha!
oh well, cge na, i'm sleepy na naman.. hahaha... aga pa no? may tactical pa bukas, kelangan maaga.

out.
--
01.28.05
ayoko na talagang magprom...
ang baduy naman kasi. waaaaaah.. hahahaha! pero tulad nga ng reasoning sakin ng aking mga kaibigang lalaki... 'ano ka ba, kasama mo naman friends mo diba? hindi naman kailangang may date ka...'

*sigH* alam niyo bang mejo nakakalow morale na makita ang mga ibang babaeng isinasayaw at kasama ang kanilang mga 'date' [with other inbetween dances with other men on the side] samantalang ikaw ay nakaupo lang sa upuan mo na tila hindi ka napapansin? susko, sa skul pa nga lang, puro SILA lang ang napapansin, pano pa kaya sa prom. diba? who needs prom? me. sayang get-up ko.

hahahaha

anyway, ayun, ewan ko. bahala sila sa mga buhay nila, bsta dapat ienjoy ko un kasi last na namin to, diba? who cares about those alien species [men]... tama nga, it should be shared with friends, not with your boyfriend or something. tama. jusko, sana nga isapuso't isaisip ko lahat ng sinusulat ko dito ngayon. DON'T EXPECT!!! un lang yun.. diba? pero admit it, there are times that you just can't help but expect diba? parang kahit ayaw mo.. ung puso mo.. ayaw parin sumuko. pilit paring nagpupursige at nag-uumasang may mangyayari balang araw. ang saklap nga no... ung maghintay sa wala. may times kasi na yang mga lalaking yan, they kind of send mixed signals. kahit kailan tlaga ang lalabo ninyo. ano ba talaga, kuya? okey.. eto na naman tong internet na to.. parang gusto ko nang tulugan...
antok na kaya ako.. kapagod tong araw na to eh.. sobra... haaaaaaaaaaaaaay... cge... ewan............ bahala na si batman... *out*
-
i have been waiting for the past 20 minutes for this computer to open the DTI homepage. ano ba yan.. may research kasi ako para sa ap.. eh susko, alam niyo naman internet dito sa bahay nila lola, hanep. state of the art. *sigh* anyway, ung pinost ko before this ay actually entry ko nung jan.28 pa, kaso, xmpre, di ko napost diba.. haha... so anyway going back, we have been talking to the different high school year levels (per section) for their "conversion"... ung sa ADORE... well, masaya naman, mejo kinabahan lang talaga ako dun sa isang section as in hindi ko talaga ma-take.. cguro kasi nandun sina ano..

haha! ewan.. sabi nga ni madz tsane ever na naman daw ako.. aba't nakipagngitian pa ko kay grizzly ha [nabuhay xa]... naiinis nga sakin sila madz kasi bakit ko daw inisnab nung nagkasalubong kami.. hahaha!! oh well.
status report:
* wala pa rin ang status letter ko from ust. [pati si arn wala pa]
* perfect ko health exam namin [madami kami.. jusko naman, sino ba namang di makakaperfect non..]
* kasama ako sa top 2% ng acet takers! bwahahahha.. we have a dinner on sunday.. di ko nga alam kung pupunta ako. di ko lam kung anong isosoot ko eh. haha!
* past - okey sa olrayt na kami.
* present - di pa rin kami talaga nag-uusap ng masinsinan
* future - huh? tagal nang wala to ah!
* bespren - mas okey na kami ngayon although hindi pa kami maxado nagpapansinan sa skul. [bwisit na text yan, minsan dahil jan kaya pa nawawalan ng human communication! haha..]
* ADORE person - text ever.. quotes galore. haha!
* friend ni ADORE person - wala parin. haha!
* zar - hahahaha! ewan! funny to... funny story. si tere ang salarin!
-
alam niyo bang tila nauubusan na ko ng self confidence... inde, teka, wrong term.. ayun, alam niyo bang mejo nalolow morale na ko ngayon.. as in, nauubusan na ko ng self esteem. i'm having a bad case of insecurity. ewan ko kung bakit. cguro kasi, una sa lahat.. ang bababa ng grades ko ngayon!!!!!!!!!!!!!! as iN!!!!! paksyet. pangalawa.. ahummmmmmmm... wag nalang. haha! kailangan ko ng konting reassurance, affirmation, in short, cguro klsp ako ngayon.

*sigh* alam niyo ba ung title nung song ng Southborder.. ung ano.. meron.. "hold my hand, and together we will wait for the day when we will be as one..." simula nun ung "you've always been there for me, and i never took the time" ata.. bsta parang nagsisisi ung guy ata.. ewan. basta kung alam niyo, pwede pasabi ng title? thanks

isa kasi xang unknown track sa aking unknown cd.

binurn ko lang kasi, mga nahalungkat kong files sa pc namin sa bahay.
ngayon naman, isang bagay na napulot ko sa friendster. di ko rin naman napost dun kasi nga nadc, eh tinamad na kong bumalik ng friendster so dito nalang.
.
B A S I C Q U E S T I O N S
[my name is]:
joelle ü
[in the morning i am]:
sleepy.
[all i need]:
LOVE (ung sa kanta ng smart) hahaha.. ano ba.. OXYGEN?
[love is]:
one hell of an oxmoron.
[if i could see one person right now]:
Hmm... wala naman, my friends?
[im afraid of]:
flying ipis!!!!!!!!! multo! o hindeeeeeeee!
[i dream about]:
things.
H A V E Y O U E V E R .
[been in love]:
yep

[cried when someone died]:
yup, ung sa lolo ko sa father's side..
[drank alcohol]:
OO! hahahaa! bad.. bad..
T H I S O R T H A T . .
[coke or pepsi]:
..coke!
[flowers or candy]:
flowers.. candy.. ok lang. kahit ano!

[scruff or clean shaven]:
mas type ko minsan pag malinis tignan eh..
[tall or short]:
wag lang mas maliit sakin [konti lang naman cguro ganon, sa liit ko ba namang to]
W I T H T H E O P P O S I T E S E X . . . . .
[what do u notice first?]:
ung smile at dating..

[makes u laugh the most?]:
eh di ung mga malokong gago

[makes you smile]:
hmm... sila

[gives u a funny feeling]:
funny feeling? anong funny feeling?

[has a crush on u?]:
bwahahaha, feeling!
[easier to talk to: boys or girls?]
girls parin!
D O Y O U E V E R . .
[sit on the internet all day waiting for
someone special to be OL?]:
hindi.. alangan namang maghintay ako ng forever para sa isang taong hindi naman darating diba. bahala na si batman kung darating xa o hindi.
[save ym/aim conversations?]:
minsan. pero narealize kong nagsasave naman pala xa mag-isa.
H A V E Y O U E V E R
[fallen for ur best friend]:
sa babae? yuck!
[busted someone]
um.
[done something u regret]:
hmm.. there are many things i've done that i didn't really like pero di ko naman sila nireregret.. kasi kung di ko ginawa un, siguro, hindi ako ung joelle na to ngayon. besides, that's a thing of the past, wala na kong magagawa dun diba. we can't change the past now, can we?
WH O W A S T H E L A S T P E R S O N
[u talked to]:
mikhail
[hugged]:
andrea
[u instant messaged]:
lloyd
[u laughed with]:
karla and ara ü
D O Y O U
[color ur hair]:
nah.. wag na, ok na ko dito.
[ever booted off in the chatroom]:
ha?
Q U E S T I O N S
[could u live without the computer?]:
dati. haha!
[how many peeps are on ur buddylist?]:
indi ko alm eh. haha!
W H A T I S / A R E
[what's your favorite food?]:
basta masarap at nakakain.

[whats ur favorite fruit?]:
BANANAS!
[like watching sunrises or sunset]:
sunset xempre.. mas romantic! hahahaha!
[what hurts the most?]:
sugat (both internal and external)
[trust others way too easily?]:
minsan..
[want]:
LOAD. LOAD. LOAD. pass up DILIMAN.
[wish]:
pass u.p. diliman!
[miss]:
my friends
[how do u know its love?]:
you can never can tell. ahahahah joke!

malalaman mo nalang un.. maybe too soon, maybe too late, or maybe at the right time.
N A M E / N A M E S :
[crush]:
yael!!!!!!!!!!!!
[love] :
God

[bestfriend/s] :
bea, gia, mara, tere, mai

[hate] :
hmm. wala naman. haha
[enemy]:
wala rin naman. hehehehehhe
[wishing to like you]:
hmmmm...
[want to meet]:
ELY BUENDIA!!!!
[want to be with everytime]:
my friends

[want to hug]:
my friends ulit
-
i have just come up a philosophy in life - live without regrets!!! bwahahhaa.. diba gia?

well, kasi ganito un, why regret something when you can't do anything about it anymore? it's a thing of the past, you can't turn back time, wala ka nang magagawa but to accept it. right? so never live with regrets.. living with regrets is ruining your life.. lalo mo lang dinodown ang sarili mo pagka ganoon ang ginagawa mo... and think of it this way, if it wasn't for those mistakes you did, you wouldn't be the person you are now! you wouldn't be the strong, steadfast person you are now.
what can't kill you only makes you stronger... true enough. totoo naman eh diba? why dwell on something.. something that you can't do anything about and is already a part of you? perhaps God is just willing something (or someone) else for you.. diba? si God na ang bahala.. xa lang naman ang may karapatan..
instead of wasting your time and energy finding the right guy or pondering whether your boyfriend IS the one, why not just spend your time and energy developing yourself to become the right girl for that right guy?
walalang... mrs.goitia.. kanina, may talk kami, astig.
i'm sleepy. it's already 10 in the evening (sleeping time ko - which mikhail scolds kasi daw it's too late, kaya daw hindi ako lumalaki/tumatangkad..) and nga pala, it's already the second of february no... sa sabado debut ni ju, sa linggo ateneO! wah, dalawang araw akong magpapalda. susko. to heck with formal events. haha! [proM!!!] cge na, my eyes hurt already... perhaps next time. out.
-
it's like already the fourth of february. 8 days till the prom. imagine, alam niyo bang nung january 28 ko pa sinimulan tong entry na to? bwahahahaha! okay going back. well, this day was just... SUPERRRRRRRR. actually, kahapon pa, guess what, remember grizzly bear?

bwahahaha, he's back from outer space! back from hibernation. (no pun intended) hahahahaha!

okay.. wala na akong crush sa kanya, dhil nga sa mga karamihan ng mga turnoff-an ko don, yuckie. haha! as i've said to bespren, "he's just another gwapo guy" [ha!] at kahapon, by some weird twist of fate, nagkakilala kami. okay so matagal na talaga kaming magkakilala, kahapon lang nagsimula ang aming pansinan. alam niyo ung tipong ngingitian ka tapos may sabay na taas ng kilay? bwahahaha! un, dun nagsimula. weird nga eh, nagkasalubong lang kami, tapos gumanon xa. [uuuh, okay, so mejo mayabang ang dating pero kahit na.] eh di smile naman din ako. the same incident happened during recess time pm, at inaasar ako ni aki kasi sabi niya, hindi naman daw 'hi' un, pinansin lang ako. hindi 'hi'. cge fine, hindi xa nag-hi, pinansin lang niya ko. hahahahah atleast diba!

so there, kahapon ganun nga.. tapos kanina, destiny talaga, inatasan kami ni arn arn na magbantay ng mga taong suspended kaninang dismissal para tignan kung talagang naglilinis sila (community service).. at yon, by another weird twist of fate, suspended xa. at bonding kami kanina. BWAHAHAHAHAH! ULTRA TSANE!!!!!!!!!!!!!! bwahahahhahah! at alam kong napakaraming babae ang nabwibwisit sakin ngayon. hahaahaha! fish tayo!

hindi ko rin naman talaga alam no.. not my fault.

close na nga kami nung mommy niya. hahahahaha!!!!

weeeeeeeeeeeeeeeee... tapos pati si soda kahapon [op, bago yan! hinahangin ang dati naming codename jan sa beach bum na yan..] muntik na rin mag-hi, naudlot lang. ahhahahahahahahha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

okay, i'll stop na. tama na. istaf et.
first love. may kasabihang first love never dies. totoo ba yun? ewan ko. basta ang alam ko, i'm over him na. diba?

finally. all we need is closure talaga.. that's a definite. kasi hindi mo matatakasan ang isang bagay.. hindi mo ito maoovercome kung hindi mo xa haharapin. o diba? life's lessons! haha!

ewan ko kung bakit napadpad to sa utak ko ngayon pero atleast... wah. ewan.nga pala, philosophy in life.. para sa hrc namen.. live without regrets. i think i've already written something about this already. yeah? yeah. haha... ewan, labo ko naman ngayon. bangag kasi eh. haha!
--
this is the latest one..
02.15.05
i am currently wishing that i just wrote something right after the prom... para naman maganda-ganda pa diba... di tulad ngayon na mejo depressed na ko at nabwibwiset. pero actually mas ok na ko ngayon kung icocompare kanina... at kahapon. na sobrang todo as in talaga [to the highest level] na talagang down na down.. as in hindi ako makangiti. parang nung papunta palang ako nung prom. as in feel ko kaya nun ang pangit pangit ko... pero nawala lahat yun nung...
'uy, joelle...ü'
'oi! bakit?'
'... you look good tonight...ü'
linchak yan o. xmpre, natuwa naman ako... tapos nadagdagan pa nung sayawan na... aysus. i don't want to give full details because this i have reminded myself that this is not a private blog and millions of people might be able to read this [feeling] ahhahaha...

basta un...
.
then he held me tight... i rested my head on his shoulder and rested his head on mine... i wanted that moment to last forever... but it only lasted one night... then he took my hand, gave it a slight squeeze and said, "i'll never let you go..."...
.
panaginip lang ba to? siguro. siguro hindi. basta ang alam ko masaya ako nun, at yon ang importante. they say patience is a virtue... but how will you know if you've waited long enough? long enough for you to waste your time and energy on someone who was never going to come anyway.. what if you were just waiting for nothing? how will you know when to stop?
there is nothing impossible.. but there are just things that are highly improbable..
true enough. and it hurts for me to realize that those things we want are, most often than not, included in those 'things' that are highly improbable. big dreams... oonga, libre mangarap pero, diba, hindi rin naman xa libre eh.. you have to pay for it through your tears...
ne smile equals to a thousand tears...
ano ba itong valentine's day na itech! todo todo.. todo senti ever! ay bwisit tong palabas na to sa tv ah..pwede patayin? ANG BADUY...!!! kadire.. stop it.. you're polluting my brain with senseless mushy lovey-dovey stuff which i am not supposed to hear of because of the pain it causes me to feel..
-
time
time lang talaga. i've realized that just now.. because sometimes, you really just have to wait.. wait for things to fall into place when it's meant to be.. malas mo nalang pag inde..

ehehehe.. pero if it's meant for you, it's meant for you, so just let it be... let things take its own pace.. its own course.. diba? you can't do much really.. and i've accepted that.

si God lang talaga ang bahala...

i'm feeling better now by the way.. much much better..

as in..

things aren't that clear yet pero.. it's better
alam niyo bang hinahanap ako ni grizzly bear kay arn-arn kahapon???? bwahahahahahaha!!!!! that's funny. that's nice. that's... ok. tama na. hahahaah!!!
ang ganda ng bagong cd ng mymp..

ung versions and beyond..

walalang..

hahahahaha! astig..

ay tapos nakita niyo na ba ung cd ng "you'll be safe here"? astig xa.. apat xa na iba-iba ung harap.. nakalagay, "you'll" tapos "be" tapos "safe" tapos "here" hehehe.. ewan ko, parang nsulat ko na to ah.. hahahah! dejavu..

ewan ko. basta un. hahaahhah! walalagn.. para kasing ang cute.. pero ewan ko baka nakalagay naman lahat un dun iba-iba lang ung nilagay sa harap.
tinanggal ko na nga pala ung aking magandang manicure. hahahah! walalang. big news?
anyway, i am practically bored.. i want to do my math objectives [para tapos na] kaso wala naman akong libro, eh alangan namang mag-internet pa ko eh alam niyo naman internet dito diba...

bwahahahahaha...

'exegesis'.. walalang.. naalala ko lang.. kasi pinagtatawanan namin si kim kanina..

hahaahahaha! exegesis..

okey tama na. lalalalalala........................................
are you aware that we have only 5 school days to go? imagine that. seniors.. byebye na! awwwwwwwwww man... 5 school days nalang.. tapos clearance na.. tapos finals na! tapos grad practice na!! aaaaaaaaaaaaaaaah! hala..........
ngayon ko lang napansing ang haba ko pala gumawa ng entry...
-
"parang atin ang gabi... para bang wala tayong katabi.. at tayo'y sumayaw, na parang hindi tayo bibitaw.."
feeling: happy ü