<body><style type="text/css">#navbar { font-family: Verdana; background-color: #666; color: #fff; padding: 5px; font-size: 11px; text-align: right; }#navbar .f-left { float: left; }#navbar a { color: #fff; }#navbar a:hover { color: #ff0;}</style><div id="navbar"><div class="wrap"><div class="user f-left"><a href="http://tabulas.com"><strong>Tabulas.com</strong></a></div><div class="options"><a href="http://tabulas.com/user/login/">Login</a> | <a href="http://tabulas.com/user/register/">Register</a></div></div></div><div style="text-align:center"><!--REQUIRED['ADVERT']--></div>
take my dreams away...








Entries for June, 2005

June 3rd, 2005

rise and shining!

shinomori_misao8 opened her eyes at 03:36 PM on June 3, 2005.

hay, ilang taon na ba mula nung huli ako nagpost? dahil sa pagiging sobrang busy ay tila nakaligtaan ko nang magpost dito sa blog. dami kasi inaasikaso, nagbaguio kami last weekend, tapos pag-uwi, punta kaming up the next day para sa aking id [hahaha! Nakapula ako sabay pula ung background nung pic. ang saya!].. tas nanood kami ng madagascar sa gateway [hence the title of this post which was quoted from the wonderful king of the lemurs. haha! watch out for the last part of this post.. may part two pa ang kalokohan. ] tapos the next day, umuwi kaming biñan sa bahay ni lola para bumisita.. dun kami natulog.. so wednesday na agad, konting pahinga, at tinawagan ang mga dapat tawagan [haha! alam ko, long overdue na mga tawag ko sanyo.. sorry bea! tatawag ako sayo mamaya, promise ], so pasingit-singit lang ako sa pc, inuna ko muna ung pagbago ng layout ko para tapos na [yehey! sanzo!!]..eh kahapon nagpunta kaming SM para mamili ng gamit para sa townhouse... haaaay. kapagod. tas sa sunday maglilipat na ng gamit sa townhouse, bukas mamimili ng iba pang gamit, sa monday ako magmomove in dun, tas mag-iikot kami ni mayee sa up para alam na namin ung lugar. wahahaha, ayoko mawalaaaaaaaaaaa....

pagkatapos ko mag-explain, magkkwento na ko. haha! where shall i start.. hmm.. masaya naman sa baguio, enjoy.. at andami kong napagmuni-munihan. haha! kaya marami akong tanong mamaya.. pero bago un, alam niyo bang ang ulan non sa baguio? tuwing bababa kami ng kotse at maggagala, more often than not, ay biglang, aambon.. tas UULAN! yehey, ang saya-saya. kaya un.. nastranded pa nga kami dun sa parang daungan sa burnham kasi biglang lumakas ung ulan eh nasa boat kami, so syempre balik kami kasi basang-basang-basa na kami sa lakas ng ulan eh sa lakas hindi kami makaalis dun kasi walang payong. haaaaaaay, buhay stranded. buti nga hindi nadala ung kinatatayuan namin sa tubig eh. at alam niyo bang may nagbebenta ng ice cream sa gitna ng tubig? may mamang may boat na kulay asul na may dalang 'magnolia blue freezer'.. saya.

tapos eto, share ko lang, nung isang gabi kasi kausap ko si gorri sa phone, tapos nagkwento xa about sa UST.. tapos alam niyo ba, SECTION 1 xa sa BS MATH ha! major in actuarial science ata un.. correct me if i'm wrong.. basta un! grabe, ang smart niya! eto pa, alam niyo kung out of ilan un? section 1 out of ilan? hahaha! surprise surprise! isa lang! ahhahahaha! katawa nga kasi gulat na gulat ako nung, tuwang-tuwa, tas xa naman mismo may sabi, 'eh lam mo ba kung ilan kami? isang section lang naman talaga eh!'

---

bakit may konsensyang mala-schizo ang dating sa mga safeguard commercials?

bakit ang mga bida sa soap opera ay bulag, bingi, at tanga pa?

bakit may mahahabang stick na nakakabit sa bump car?

bakit may nagbebenta ng ice cream sa gitna ng tubig sa Burnham?

paano nakakarating sa ibabaw ng building ang mga malalaking cranes?

bakit tuwing may radio interview ang hale na alam ko, lagi kaming out of town? [una sa subic - Nu107, tapos sa baguio naman - sa tunog kalye 89.9] malas, eh xmpre hindi abot ung mga lugar na yun, all i hear is static. hay. mas maganda sana kung boses ni champ naririnig ko.

bakit pag nakatira ka sa mas malayong lugar eh mas maaga kang nakakarating? [concrete example - nico]

bakit ako natawa sa sabi ng pinsan kong "ay nako! kainis talaga xa! nagviolet pa ha! trying hard maging ube!"?

---

album launch ng bamboo mamaya sa megastrip, kung di kayo makakapunta [tulad ko] kinig nalang kayo sa NU mamayang ngayon. kakatapos lang ng set ng hale at sobrang astig. champ! ngayon sugarfree na.. astig din oh and by the way, it's probably gonna be ages until i change my layout again and until i post a 'matinong' post because of school... wala pa kasi akong pc/laptop na gagamitin sa townhouse sa katips... hindi naman sana ako mabaliw dun. haha yes, kolehiyo na po ako! june 7 - yun na yun! haha good luck nalang sa'kin at sa lahat ng freshies! that's all folks! see you later, crocodile!

critique?

June 11th, 2005

buhay kolehiyala

shinomori_misao8 opened her eyes at 11:05 AM on June 11, 2005.

pagod na ko. pagod na pagod na pagod na ko. as in.

pero ok na naman. mejo sanay na. at mejo nakakabisado na namin ang pasikot-sikot sa up. konti nalang pati ang mga ruta ng ikot, toki, up-katipunan, up-pantranco/philcoa, up-smnorth.. memorize na namin. wee. ang saya.

ang problema kasi, nagchangemat pa kami, kasi hindi namin nakuha ung preferred schedule namin, kaya ayun. kamalasan. nadissolve pa ung philo10class namin kasi magsstudy leave ung prof kasi nakakuha xa ng scholarship. ayun. oh well. kapagod. mejo ok na naman. gusto ko pa sana paltan ung pe ko kasi ung bowling sa ever gotesco pa pala! malas! eh hindi naman ako marunong pumunta don! bwahahahaha!

tapos eto pa, nung first day, andun ang parokya, kaso hindi namin napanood kasi may orientation kami! tas naulan pa! kainis nga eh.. sayang.. pero oh well. taga-dun din naman ang ilan sa kanila... tumugtog nalang sana sila uli.. sa 24 nga, tutugtog ang hale sa parang engineering freshmen week.. ayun.. exciting! haha!

wala na talaga ako sa huwisyo. mejo sumakit katawan ko kakalakad.. haha! pero in fairness, masaya naman.. madami-dami nang friends, at marami-rami narin kaming nasspot.. hahaha! un nalang ang konsolasyon at inspirasyon naming tumuloy pa sa kapagod-pagod na buhay ngayong linggong to. kasi talagang nag-aadjust palang kaya aun.. pero ok n naman, [inulit ko lang] haha.. dinadaan nalang sa tawa.. haaaayy.. miss ko na kayong lahat! hope to see you soon! tinatamad akong magpost kaya hindi pa kumpleto ang kwentong to.. hanggang sa susunod na kabanata.. haha!

critique?

June 26th, 2005

sige na nga.

shinomori_misao8 opened her eyes at 01:38 PM on June 26, 2005.

due to insistent public demand, ako'y mag-uupdate na! bwahahaha! sorry hindi ako nakapagupdate last week kasi mejo tinamad ako.. wala ako sa mood. haha! pero in fairview, madami-dami na nman ang mga happenings sa buhay ko. diba lloyd? hahaha!

bago ang lahat, shoutouts muna.

madz at ten: OO. meron na. kaso.. may sabit. haha! usap tayo soon miss ko na kayo

ayan. going back. as of this moment, i am trying to make an algorithm to solve my cs11 homework. lintik. isa nalang. hahaha. ayaw nang magprocess ng utak ko kasi 2am na ko natulog kagabi [o kanina?] dahil dun sa math17 exercises naman. hmm. tambak ba? hindi naman, tamad lang kasi talaga ako gumawa pag weekday kaya nagtatambak pag weekend. haha! may hahanapin pa nga dapat akong essay para sa eng1, kaso hindi ko tlga mahanap, isa lang nahanap namin. bahala na si batman.

speaking of batman, nanood kaming batman begins ng mga 'housemates' ko sa gateway. wee! first LRT ride! at muka kaming mga inosente [kaming 5 freshmen. haha! ung dalawa kasi matanda na.. hahaha joke ate trish at shan!] ayun. masaya naman. nagenjoy kami. sumakit ang tiyan kakatawa. [oo, kahit nung movie, dahil natangahan kami kay batman nung hindi pa niya pinatay ung device nung nakapatong na xa dun. arg. he should've turned it off. eh di sana hindi na nasira ung kanilang version ng 'lrt' haha ]

i was able to watch imago, cambio, and hale last friday night because of the engineering freshman night. wee. ang saya. buti nalang eng'g ako. haha! it was fun, may dance at modeling competition pa! o san pa kayo? haha! enjoy talaga. as in. at in fairview, after nung 'thingy' na un, wala na kasi ako kasama, aba, sinamahan ako nung handler namin nung amazing tour [the dept. of cs version ng amazing race. haha.] nung last last wednesday. at take note! cutie xa! hahaha! kamuka ni hero angeles. hahaha! pero hindi xa un. nakaglasses xa.. ah basta, xa un, cute. ang bait. nagbonding pa kame. haha! [now i'm beginning to think, what is it with upper class men that makes us go gaga over them? pansin ko lang, halos puro upperclassmen ang mga papabol na na'huhunt' namin. hahaha! read: hindi pa yan ung 'papa' ko ha! haha!]

last last week was overly senti for me. walalang. actually last weekend to be more exact. jusko, kung anu-ano mga pumapasok sa utak ko. eh kasi naman diba, maghahanap nalang ng boylet, ung may girlfriend pa. [oops! buking! hahaha!] eh kasalanan ko ba? hmm... ewan. kayo, what do you reckon? he's a really nice guy, and mind you, he's sweet and malambing [ack! playboy!] pero i can tell, by the way he talks na things aren't going THAT well between him and his girlfriend. ah ewan. lagot. baka may makabasa nito. eek!

so let's skip that part. ayoko masyado pag-usapan, natatakot ako eh. hahaha. guilty ba? hehehe text nalang kayo for details. ahahaha! yuck!

hay nako. i should be doing my assignment na. i am awfully excited for friday night. wee! freshteeeeeeeeg! excited na ko. makikita ko na naman si champ. haha!

out.

6 critiqued.

dream away

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos from joellei. Make your own badge here.

fellow dreamers
andrea
bea
eric
father jboy
gia
jacq
jasper
jen
jill
jocs
josiah
jurmy
kei
lloyd
low
madz
malen!
mayee
mikhail!
moreen
nico
noel
pakner
pam
paola
paoloc
phillip
ron!
stalker buddy
sj
ten
tere
tinay
todz
tricia

links

avail
friendster
friendtest
my spot
Peyups.com
photobucket gallery
UP Parser Blog

UP Parser Home

Get Firefox!

me. gallery. past entries. works. favorites. more friends. friends of. more links.
mail me
go home.